B.P.

52 na ako pero wala pa akong maintenance meds hanggang ngayon. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa ganitong estado ng kalusugan. Bagama’t na-ospital na ako dahil sa cervical polyps at gallbladder stone, hindi naman ako na-diagnose na may diabetes o hypertension. Pero iba ang naramdaman ko kahapon, ika-17 ng Hunyo 2021. Habang nagbabasa ng artikulo paraMagpatuloy sa pagbabasa “B.P.”

Kamatayan

Ano ang isasagot mo kapag tinanong ka, “Takot ka bang mamatay?” Dalawang sagot lang naman ang iyong pagpipilian: oo o hindi. May mga pagkakataon na sinabi ko sa sarili ko na hindi ako takot mamatay dahil handa na ako sa kahit anumang mangyari. Nagkaroon ako ng ganitong pananaw nang matutunan ko ang kapayapaan sa sariliMagpatuloy sa pagbabasa “Kamatayan”

Tindahan

Pandemiya. Maraming nawalan ng trabaho at negosyo dahil karamihan ay napilitang pumirmi ng kani-kanilang tahanan. Kahit ang mga nagtatrabaho sa kani-kanilang bahay o mas kilala sa tawag na “work from home” ay naapektuhan din. Kaya naman naglipana ang kani-kaniyang negosyo online. May nagtitinda ng iba’t ibang klase ng pagkain; ang iba naman ay mga kasuotan;Magpatuloy sa pagbabasa “Tindahan”

Asawa

Kamakailan, ipinagdiwang namin ang aming ikalabing-pitong anibersaryo ng aming kasal. Malapit na kaming magdalawang dekada na nagsasama. Pareho kaming mag-asawa na nagtatrabaho sa bahay. Ang pagkakaiba nga lamang, siya ay panggabi at ako naman ay sa umaga. Kaya kapag may pagkakataon, magkasama kami sa paglalakad bilang ehersisyo o papunta sa tricycle terminal. Minsan, habang naglalakad,Magpatuloy sa pagbabasa “Asawa”

Pelikula

Natatandaan mo pa ba ang kauna-unahang pelikula na napanood mo sa sinehan? Anim na taong gulang ako noon nang isinama ako upang manood ng sine. Excited ako kasi makakapanood ako ng sine sa loob ng sinehan sa unang pagkakataon. Hindi ko na alam kung saang sinehan ‘yon pero alam kong isa ‘yon sa mga sinehanMagpatuloy sa pagbabasa “Pelikula”